“Thank you, ICTzens! GG, maraming salamat sa supporta.” - Sir Paldeng
- Empress Blas
- Oct 21, 2024
- 1 min read
Updated: Oct 29, 2024

Ikinagalak ng mga guro ang programa na inihanda ng mga mag-aaral ng Information Communication and Technology High School para sa Teacher’s Day noong Oktubre 3, 2024. Kung saan sa temang “Hollywood Stars,” nagmistulang runway ang pagdiriwang, na nagbigay ng aliw at kasiyahan sa lahat.
Napuno ng kasiyahan at katuwaan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral nang itampok sa programa ang “Kalookalike” na segment, kung saan ginagaya ng isang estudyante ang isang guro at inaakto nila ang karaniwang paguugali ng guro at ang mga linyang madalas nilang sinasabi.
Sunod naman na nagtanghal ang Terak, isang grupo ng mga mag-aaral, na nagpakita ng kanilang kagalingan at talento sa pagsasayaw na labis na kinagiliwan ng mga guro at mag-aaral.
Nagsagawa rin ang mga mag-aaral ng mga liham na sulat ng pasasalamat para sa mga huwarang na guro, na naglalaman ng taos-pusong mensahe ng pagpapahalaga at pasalamat.
Labis ang pasasalamat, ligaya, at inspirasyong natanggap ng mga guro mula sa mga mensahe, at surpresang pinaghandaan ng kanilang mga estudyante para sa Araw ng mga guro.
Matagumpay na nairaos ang Teacher’s Day, na nagbigay ng pagkakataon upang ipakita ang suporta at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang mga guro, na nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa sa ICTHS.
Comments