top of page

ICTzens, muling sasabak sa DSPC 2024

  • Empress Blas
  • Oct 21, 2024
  • 1 min read

Updated: Oct 29, 2024



Nagsimula nang mag-ensayo ang mga mag-aaral ng Information and Communication Technology High School, na magpapatuloy hanggang Nobyembre 6 para sa nalalapit na Division Schools Press Conference (DSPC) na gaganapin sa Pampanga High School sa Nobyembre 7 at 8, 2024.


Pinaghahandaan na ng mga ICTzens ang iba’t ibang kategorya ng paligsahan, kabilang ang pagsulat ng balita, lathalain, lathalaing pang-agham, kolum, isports, pagwawasto at pag-uulo ng balita, at iba pa.


Kasama sa kanilang pagsasanay ang mga workshop at mentorship na pinangunahan ng mga guro na dalubhasa sa iba't ibang larangan ng pamamahayag.


Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusulat at paghahatid ng makabuluhang impormasyon.


Inaasahan ng ICTHS na ang kanilang mabusising paghahanda ay magbubunga ng magandang resulta sa kompetisyon.


Lubos ang suporta na ibinibigay ng pamunuan ng paaralan sa mga kalahok upang masiguro ang kanilang tagumpay sa DSPC.



Comments


bottom of page