Bayanihan sa Gulayan Project, isinusulong na
- Sheena Yutuc
- Oct 21, 2024
- 1 min read
Updated: Oct 29, 2024

Pinaghandaan ng School Parent Teacher Association (SPTA) ng Information and Communication Technology Highschool (ICTHS) ang proyektong "Bayanihan sa Gulayan ng Paaralan" kung saan ito ay naglalayong maturuan ang mga estudyande sa larangan ng agrikultura at pangangalaga sa kapaligiran.
Ginanap ang nasabing proyekto noong Ikalabing-dalawa ng Oktubre kung saan sinimulan na ang paglilinis at paggawa ng mga plant beds na siyang pagtataniman ng mga magulang para sa nasabing proyekto.
Nais na maipalaganap ng SPTA sa mga mag-aaral ang pagpapayaman sa pakikipagtulungan at pagpapanatiling isang sustainable na paaralan sa pamamagitan ng pagtuturo kung paano magtanim ng mga gulay at paano alagaan ang mga ito.
Matatagpuan ang hardin sa likod ng EDSA building at gilid ng Division Office ng paaralan kung saan mayroon nang kasalukuyang nakata-nim na mga gulay, tulad ng talong, petchay, at mga sili.
Nagboluntaryo ang mga mag-aaral ng ikalabing-isang baiting na mag-bigay ng mga galon na maaaring magamit bilang kapalit sa mga paso at sila ay nakakolekta ng mahigit kumulang na siyamnapu't apat na galon na maaring magamit para sa proyekto.
Ang "Bayanihan sa Gulayan ng Paaralan" ay isa sa mga programa na nakapailalim sa National Greening Program ng Department of Education na naglalayong makatulong sa mga paaralan na maging self-sufficient sa pagtutugon sa kakulangan ng nutrisyon sa mga mag-aaral.
Comments