top of page

Dating 1st runner up ng Lakan 2022, nakasungkit na ng korona

  • Writer: EJ JACINTO
    EJ JACINTO
  • Oct 29, 2024
  • 1 min read


Kinoronahan na bilang lakan ang kinatawan ng ika-12 distrito na si Carmelo Ian Bacani ng ikalabing-isang baitang samantala, tinanghal naman na bagong Mutya ang kinatawan ng ika-5 distrito na si Cailyn Pangilinan ng ika-8 baitang sa naganap na Mutya at Lakan sa Information and Communication Technology Highschool (ICTHS) nitong nakaraang Huwebes, Ika-17 ng Oktubre 2024.


Suot ang magarbo at magagandang kostyum, ibinida nila ang industriya ng kanilang distrito, tulad na lamang ng pagsuot ng kasuotang pangminero para sa tema ng ika-12 distrito na pagmimina, at transmission tower para sa tema ng ika-5  distrito na kuryente at elektrisidad.


Sunod na itinampok ni Bacani ang kaniyang pampalakasang kasuotan na artseriya, dala-dala ang kaniyang pana at palaso, at ang karwaheng kumakatawan sa ika-12 distrito.


Bago siya makoronahan bilang Lakan ng Intrams 2024, tumanggap pa siya ng maliliit na parangal tulad ng "Pinakamagandang pampalakasang kasuotan" at "Most photogenic award".


Ipinamalas namang muli ni Bacani ang kanyang nakamamanghang talino, galing, at kahandaan sa pagsasagot sa mga tanong na inilahad sa tagisan ng kaalaman sa naganap na tanungan at sagutan upang mapatunyan sa ikalawang pagkakataon, na karapat-dapat siyang makoronahan.


Mula sa pagandahan ng kasuotan, hanggang sa tagisan ng katalinuhan, masayang ipinagdiwang ng mga guro, mag-aaral, at mga bisita ang pagkapanalo ng Lakan at Mutya sapagkat ito ay isang di-malilimutan, at makabuluhang kaganapan sa kasaysayan ng paaralan.


Comments


bottom of page