top of page

Sugal ng isang Mandirigma

  • Writer: EJ JACINTO
    EJ JACINTO
  • Oct 29, 2024
  • 1 min read


Sa dikdikang sagupaan na nangingibabaw ang pawis na lumalagitik sa bawat manlalaro, bawat patak ay may katumbas na bigat. Sa bawat suntok ng kamao ay dagdag ang supalpal ng bagong pasok na pamantayan na nangangailangang pagsabayin ang hagupit ng paghahanda o pag-eensayo at pag-aaral para sa mataas na grado. Kung ikukumpara sa dating kwalipikasyon ay hindi ito kasama sa mga dapat isalang-alang.


Pasakit ang dinadanas ng mga manlalaro ng taekwondo team ng Information and Communication Technology Highschool (ICTHS) sa pagbalanse ng dalawang responsibilidad na dapat gampanan sa paaralan. Kung dati'y birth certificate lamang ang kwalipikasyon upang makalahok sa mga Palarong Pambansa, ngayo'y napakaraming mga sertipiko ang dapat isumite, kabilang na rito ang grado ng mga mag-aaral. Ito ay para ihanda ang isang manlalaro kung siya'y makaksama sa Olympics. Tinatamasa rin nito ang paghubog sa intelektuwal na aspeto habang binabandera ang entablado ng pampalakasan.


Walang aninag ng tagumpay kung babaliwalain ang ibang mga pamantayan na dapat taglay ng isang manlalaro. Kahit sa pagod na pinagdaraanan ay kailangan pa ring itawid ang katungkulan ng pagiging isang mag-aaral. Mas matimbang pa rin ang kaisipan at kaalaman kaysa pansariling kalakasan sa entabladong lakas ang basehan. Kung nais ng isang manlalaro na magpunyagi ay marapat lamang na maging isang tanyag na atleta habang binibigyang pansin ang tungkuling akademikong pangganap.

Comments


bottom of page