ICTHS, bibida sa cluster meet
- EJ JACINTO
- Oct 28, 2024
- 2 min read

Dikdikan na ang pag-eensayo ng mga mag-aaral ng Information and Communication Technology Highschool na aarangkada sa nalalapit na Cluster Meet upang mapagtagumpayan ang bawat isports na lalahukan ng mga manlalaro tulad ng Basketball, Volleyball, Chess, Taekwondo, Mr. at Ms. Cluster Meet, at Swimming, na gaganapin Oktubre 26 hangang Nobyembre 9.
Sa hudyat ng umpisa ng tagisan ng bawat paaralan sa larangan ng isports, puspusan ang paghahandang ipinamamalas ng mga mag-aaral sa loob ng apat na buwan, para gapiin ang mga paaralang kanilang makakatunggali sa Cluster Meet.
Ibinibida ng mga manlalaro ang tatlo hangang apat na magkasunod na araw ng pag-eensayo kada linggo para sa pundasyon ng kanilang abilidad at kasanayan upang maglatag ng mga pamamaraang gagamitin sa nalalapit na kompetisyon.
Hindi hinahayaan ng mga tagapagensayo na mawala sa kumpiyansa at madurog sa salpukang magaganap ang mga manlalaro, bagkus ginagawa nila ang lahat para mamayani ang mga ito.
Ayon sa isang manlalaro ay wala pa silang balita kung gaano kalakas ang kanilang makakalaban ngunit pinaghahandaan ng koponan ng Men's volleyball ang Calulut Highschool dahil nakaharap na nila ang mga ito noong nakaraang Cluster Meet.
"Siguro sa school na mahirap kalabanin sa cluster is yung Calulut, based sa mga narinig ko kasi, maraming malalakas don and yung isang player nila don, nakalaban na namin. Pero naniniwala ako na kaya namin manalo and magsisipag pa kami lalo para tumaas pa chances namin," ani ni Enzo Macalino ng koponan sa Men's volleyball.
Inaasahan na pipitik ang lumalangis na pawis ng bawat manlalaro sa gaganaping laban na pinaghahandaan ng bawat paaralan lalong lalo na ang ICTHS para makasulot ng tagumpay mula sa panibagong troning magmamarka ng kapeonato.
留言