top of page

Dangal sa Labanan

  • Writer: EJ JACINTO
    EJ JACINTO
  • Oct 29, 2024
  • 2 min read


Nag-aalab na bagsik ang sandatang kikitil kung diskarte ang hindi maipapamalas. Sa larong tiyak buhay ang pinag-aagawan , lupon ng mga minero ang siyang mangingibabaw sa salimbay ng labanan.


Sa hagupit ng sagupaan isa ang mananaig, pinatunayan iyan ni Katniss Everdeen, sa larong "Hunger Games" na nagpakita ng tapang, dedikasyon at tatag ng loob upang mapagtagumapyan ang ratsada ng kanilang distrikto.


Aaninag ang karahasan na siyang magiiwan ng bakas ng sugat at titimbangin ang pansariling sakripisyong iyong maipapamalas para sa iyong sarili at koponan. Bagay na nasaksihan sa mga mag-aaral sa ginanap na Intrmurals 2024.


Bawat lagapak ng bola, patak ng tapang, at lumalangis na pawis ng mga manlalaro, ang siyang nagdidikta kung paano ang pag-arangkada ng diskarteng gagamitin para magpunyagi. Tagisan na walang inuurungan ang naging katangian ng mga manlalaro na sumisimbolo sa kakayahang ipinamalas ni Katniss na katapangan ang ipinaglalaban.


Bumubulusok ang bawat distrikto sa pagkamit ng mga nais mapanalunan at hindi hinahayaang humulagpos at kinakadena ang sinumang makatunggali.


Kahit na masasaksihan sa "Hunger Games" ang pagkakaiba ng mga interest ng bawat kinatawan at ang bagsik ng matatalas na pangil ng mga gutom sa pagkapanalo, hindi inalis sa puso ng mga ICTzens ang tunay na kahulugan kung bakit isinasagawa ang Intramurals taon-taon.


Pinoprotektahan, dinedepensahan at ipinaglalaban bawat labang kinapapalooban. Lakas ang siyang ipinapamalas at puso ng kampyon ang nagliliyab. Sa gitna ng maiinit na laban pagkakaibigan at kabutihan ang siya pa ring naninindigan.


Sa kabila ng madugong pamamaraan at diskarteng ibinida ni Katniss upang mapulbos ang mga katunggali, patuloy pa ring namamayagpag ang tunay na layunin ng Intramurals, ang pagkakaisa at pakikipagkapuwa na siyang sinasalamin ng mga mag-aaral.


Dumausdos man ang matalas na sandatang kikitil sa sinumang naisin, tiyak na hindi mapagiiwanan ang esensya ng pagkamanlalaro na siyang mananaig sa dulo

Comments


bottom of page