top of page

ICTzens, raratsada sa nalalapit na cluster meet

  • Writer: EJ JACINTO
    EJ JACINTO
  • Oct 29, 2024
  • 2 min read


Dikdikan na ang pag-eensayo ng mga mag-aaral ng Information and Communication Technology Highschool (ICTHS), kabilang ang inaasahang hahakot ng batalyong mga parangal na si Joshua Roa na aarangkada sa nalalapit na Cluster Meet upang mapagtagumpayan ang bawat isports tulad ng Basketball, Volleyball, Chess, Taekwondo, Mr. at Ms. Cluster Meet, at Swimming, na gaganapin Oktubre 26 hangang Nobyembre 9.


Sa hudyat ng paguumpisa ng tagisan ng bawat paaralan sa larangan ng isports, puspusan ang paghahandang ipinamamalas ng mga mag-aaral sa loob ng apat na buwan, para gapiin ang mga paaralang kanilang makakatunggali sa Cluster Meet.


Hihirit din si Joshua Roa na lumahok na sa mga iba't ibang patimpalak sa swimming tulad na lamang sa AOSI Aquatics Championship na nakuha ang ika-apat na puwesto sa 50 meter butterfly event sa Bangkok Thailand noong nakaraang taon.


Ibinibida ng mga manlalaro ang tatlo hangang apat na magkasunod na araw ng pag-eensayo kada linggo para sa pundasyon ng kanilang abilidad at kasanayan upang maglatag ng mga pamamaraang gagamitin sa nalalapit na kompetisyon.


Hindi hinahayaan ng mga tagapagensayo na mawala sa kumpiyansa at madurog sa salpukang magaganap ang mga manlalaro, bagkus ginagawa nila ang lahat para mamayani ang mga ito.


Ayon kay Roa, sapat na ang kaniyang pag-eensayo at handa nang umabanse upang humakot ng mga parangal tulad ng kaniyang ginawa sa mga nagdaang kompetisyon.


"It was such an honor to be a representative of ICTHS, ready na ako para sa cluster meet at excited din dahil alam ko na sapat yung mga trainings ko at marami na akong nakuhang awards last time so kampante naman ako," ani ni niya.


Inaasahan na pipitik ang lumalangis na pawis at sisibol ang naglalagablab na determinasyon ng bawat manlalaro sa gaganaping laban na pinaghahandaan ng bawat paaralan lalong lalo na ang ICTHS para makasulot ng tagumpay mula sa panibagong tronong magmamarka ng kapeonato.

コメント


bottom of page