top of page

PASAKIT O MALASAKIT

  • Janloyd Gonzales
  • Oct 29, 2024
  • 2 min read


Pinapakulo na ang mainit-init na usap-usapan patungkol sa dagdag pasakit sa pamahalaaan na politikal na dinastiya lalo na't ngayong paparating na  halalan 2025 ay nagiging madiin ang laban na tiyak ay dapat na masaksihan.


Sa lalawigan ng Pampanga ay patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga ganitong dinastiya, tulad na lamang ng mga namuno ng maraming taon sa lugar na pamilya ng mga Pineda. Nag-iwan naman ng malaking pagdududa matapos makisama ng isa pang galing sa pamilyang ito na si Mylene Pineda sa labanan ng pagka-alakalde sa lungsod ng San Fernando. Lumalabas na ninanais nilang sakupin ang buong lalawigan at hindi na binibigyan ng karapatan ang iba na  mamuno. Sila ang namuno sa loob ng napahabang panahon simula sa kanilang ama patungo sa kaniyang kapatid ngayon na si Dennis “Delta” Pineda.


Natatanggal ang karapatang makilahok lahat sa pamumuno sa paamahalan  at nawawala ang kahulugan ng tunay na demokrasya. Dahil na rin sa walang pagpasok ng bagong mamumuno ay walang bagong ideya at proyektong naipapasa, ito ay hindi na nakatutulong sa ating ekonomiya bagkus dagdag pasakit pa.


Ngayong paparating na halalan 2025 kanya-kanyang nagsipasa ang mga kandidato upang masigurado ang kanilang puwesto sa pagtakbo. Marami ang tumakbo, kung saan ang karamihan pa ay walang kaalaman sa pamumuno at paglilingkod. Tunay nga na mas mainam kung may karanasan at pamilyang aagapay. Subalit, kasabay rin nito ay ang paglakas ng kanilang loob na maging korupt sapagkat sila ang humahawak sa mga matataas at makapangyarihang posisyon.


Kinapapalooban ng 73 sa 83 probinsya ay mayroon nabubuong dinastiya. Laganap na ito at hindi lamang sa iisang probinsya nangyayari, kundi saklaw ang buong bansa. Subalit, hindi na nga masolusyonan ng una, susundan pa ng isa na kasama rin nila. Lumalabas na iisang grupo na lamang ang kumokontrol sa atin at labis na nakakatakot isipin ang mga maaari nilang gawin, lalo na't sila ang halos nagkokontrol ng naturang lugar.


Pinagtibay ng konstitusyin ng 1987 Artikolo 2 section 26 na lahat ay maaring makilahok. Binigyan ang lahat ng sapat na pagkakataon basta naayon sa pamantayang nararapat. Ito ang demokrasyang dapat taglayin at hindi puro mga taong binoboto natin dahil sila lamang ang kilala. Isang tungkulin at reponisbilidad ang pagboboto kaya nararapat itong isagawa ng tama.


Maaga pa at maari pa itong masolusyonan. Nasa ating mga kamay ang kakayahan sa pagboto para sa tamang desisyon kung sino ang nararapat na maluklok. Kung nagiging pasakit at dagdag pa sa problema ang mga polikal na dinastiya ay karapatdapat lamang na itigil na ang mga ito.


Sa patuloy na pagragasa ng mga problema sa bansa, hindi na nito kailangan ng dagdag-pasakit. Kahit pinakitaan nila tayo ng kanilang malasakit sa unang pagkakataon, huwag magpapasindak sa tamis ng mga salitang hindi naman nagagawa at napaninindigan.





Recent Posts

See All

Comments


bottom of page