top of page

Pagsusumite ng mga Certificate of Candidacy, nagtapos na

  • Sheena Yutuc
  • Oct 21, 2024
  • 2 min read

Updated: Oct 29, 2024


Tuluyan nang isinara ng Commission on Elections ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy para sa darating na halalan sa taong 2025, buwan ng Mayo. Nagsimulang tumanggap ng mga aplikasyon ang Comelec sa historic Manila Hotel noong Oktubre 1 at nagtapos ito Oktubre 8.


Sa nagdaang walong araw na pagpapasa ng mga COC at certificate of acceptance of nomination, mahigit kumulang na 184 COCs and natanggap ng Comelec para sa pagtakbo sa senado at 190 na CON-CANs ayon sa datos na ibinigay ng Comelec.


Karaniwang tinatawag na isang “political circus” ang nagaganap na pagpasa ng Certificate of Candidacy sa pagsisimula ng 2025 election sapagkat nagsulputan ang mga kumakandidatong personalidad na mayroong mga kontobersyal na isyu kung kaya’t itinuturing na kalokohan ang kanilang pagtakbo sa halalan.


Isang halimbawa ng kilalang personalidad na kumakadidato ay si Willie Revillame kung saan dati niyang inamin na hindi siya maalam sa mga batas at paggawa ng mga batas kung kaya’t tinanggihan niya ang mga umaalok sa kaniya na isama siya sa kanilang partido. Ani pa niya noon ay masasayang lamang ang mga boto ng mga tao kung siya ay tatakbo sapagkat wala siyang kapasidad upang maging isang magaling na pulitiko.


Ayon Chairperson ng Commission on Election na si George Garcia, ilalathala ang lahat ng mga ipinasang COCs sa buong bansa dalawang lingo matapos ang pagtanggap ng mga COC, upang maisiwalat sa publiko ang mga kandidatong kanilang inaabangan sa paparating na halalan.


Sa pamamagitan ng pagpupubliko ng mga certipiko, mas makikilala ng mga mamboboto ang mga kandidato at matutuklasan nila ang mga kwalipikasyon at kakayahan ng bawat isa na siyang pagbabasehan nila kung angkop nga ba silang mamuno sa ating bansa. Maaari ring gumawa ng petisyon ang publiko sa Comelec upang magkaroon ng diskwalipikasyon sa kandidasiya kung makakakita ng isyu ang publiko sa isang kandidato.


Comments


bottom of page